Go to top

 

Sa nakaraang ika-3 ng Marso 2024, inihandog ng Philippine High School for the Arts ang kahanga-hangang pagdiriwang sa Tanghalang Maria Makiling, NAC, sa Los Baños - ang "ISANG HIYAS: Makiling Dance Festival."

Sa di-mabilang na pasasalamat, nais naming bigyang-pugay ang mga sumusunod na grupo na nagbigay-kulay at kahulugan sa gabi ng sayawan:

 

BulSu Lahing Kayumanggi Dance Troupe ng Malolos, Bulacan

Guang Ming Dance Project ng Tagaytay City, Cavite

Kahayag Dance Company ng Dumaguety City, Negros Oriental

Kaloob Philippine Music and Dance Ministry ng Maynila

Perpetual Sanlahi Pangkat Mananayaw ng Las Piñas City

SayawJuan San Juan Performing Arts Group ng San Juan, Batangas

UST Salinggawi Dance Troupe ng Maynila

PHSA Sanghiyas Pangkat Mananayaw at Makiling Dance

 

Sa kanilang paglahok at dedikasyon ay nagdulot ng ito ng pagpapahalaga sa ating sining sa pagsayaw at ang pagpatuloy ng legasiya ng ating pinakamamahal na guro sa PHSA, G. Victor Emmanuel Flor, na nagretiro noong nakaraang taon.

 

Aming pinapasalamatan ang mga PHSA PSM alumni sa pangunguna nina Ronnie Mirabuena, Bobby Salinas, Stephen Biadoma, Hazel Gregorio, Judd Diolazo at guro, Ma’am Josie Guillen. Salamat din kay Dr. Lordinio Vergara ng NCCA National Committee on Dance at Diretor Greg Zuniega sa pagabati sa kanilang panimulang pananalita.

 

Muli, maraming salamat sa lahat na mga mananayaw muls sa ibat-ibang pangkat at sa lahat ng may ambag tungo sa tagumpay ng ating pagdiriwang.